AT TAYO AY LILIGAYA

アーティストタガログ語歌詞
作詞沢ちひろ
作曲沢田知可子
Habang kamay ay ikinakaway
Nagkakahiwalay na may ngiti
Sa pag-uumpisa ng isang umaga
Ngayo'y may bagong pag-asa

Sa sandali na di ka makita
Nalulungkot sa 'king pag-iisa
Hindi makatiis na di ko marinig
Ang hiwaga ng iyong tinig

At kung kapiling ka
Parati ng anong saya
Kahit na ano pa ay aking magagawa
At kung kasama ka
Lahat ay makakaya
At tayo ay liligaya

Mahirap man sa atin ang simula
Basta tayo'y maligaya di ba
Kung galing sa puso dalisay na ngiti
Ay tunay ngang walang kasing ganda

At kung kapiling ka
Pangarap ko'y nahahangad
Paniniwala ko ay biglang nagbago
Sabay na tatahak
Sa landas nitong buhay
At tayo ay liligaya

Kung ikaw ay kasama
Ang mundo ko ay may kulay
Kahit na ano pa ay aking magagawa
Kung ika'y narito
Lahat ay makakaya
At tayo ay liligaya
At tayo ay liligaya
At tayo ay liliga...ya

50音・ABC検索


  • このエントリーをはてなブックマークに追加